malayang pagsusulat
…isa muling araw ng pagsusulat..isang freewriting sabi nga ng aking guro sa Filipino…isang bagay na matagal ko ng gawin ngunit nauudlot…isang bagay na nagbibigay sa akin ng lakas at pag-asa..PAGSUSULAT. wala naman ako mashado sasabihin dito..freewriting nga eh…pero naniniwala ako na sa kalagitnaan ng sulat na ito ay may mga uusbong na ideya….ideya ng kung saan makikita at madarama ang tunay kong nararamdaman sa kasalukuyan…sa maniwala kayo at hindi, tuloy tuloy ang aking pagpindot sa keyboard..di baleng mali and spelling or grammar basta naisasakatuparan ang totoong layunin ng malayang pagsusulat…bakit nga ba hindi pwedeng masaya lahat? yun tipong lahat walang problema…tinatanong ko ito pero alam ko ang kasagutan…ganyan ako kagulo…ganyan ako mag-isip..ako’y isang babaeng praning. pnoproblema ang hindi naman dapat…iniiisip ang hindi naman dapat pinagiisipan…ngunit sa pagiging ganyan ko, may mga bagay akong natutunan na ako lang ang makapagpapaliwanag. Pag-iyak. ako ay isang magandang ehemplo ng pagluha…kung aking inipon ang bawat patak ng luha ko siguro maaring katumbas na ng tubig na ibinigay ng isang bagyo. Hapdi at Sakit. ako rin may isang modelo ng ganitong emosyon…isang tao na sadyang nakaranas, nakakaranas at makakaranas nito…ngunit sa kabila ng mga bagay na ito..eto ako nagsusulat. lumalaban at umaasa..umaasa na sa pagdating ng tamang panahon ay tuluyan ko ng maramdaman ang kaligayahan na aking inaasam…sa pagmamahal ko sayo ako nabubuhay, nagpapatuloy ay lumalaban!